Maligayang pagdating,
kaibigang Ulan!
Ilang paglubog at pagsikat
ng araw at buwan
ang nasaksihan mula
nang ika'y huling nagparamdam.
Malugod kang tatanggapin
ng mga naiwang kabigan
na kawawang nakatanaw
sa uhaw na uhaw
nang mga sakahan.
Sige't ibuhos mo lamang,
kaibigang Ulan,
ang nagbibigay-buhay
mong yaman,
sa mga mais at palay
at
sa mga nakadipang kamay.
Pawiin mo, kaibigan,
ang alikabok ng kasalatan
at
padaluyin muli ang ginhawa
sa mga palayan.
Ulan! Ulan!
Kaytagal kang hinintay
kabigang Ulan!
Tayo'y magtapisaw
sa bagong bukas na magigisnan.
Hugasan mo
ang luha naming mga dukha
at pasibulin ang sariwang pag-asa
sa tigang na lupa.
No comments:
Post a Comment
Your 2cents worth please? :DD