Nakuha ko ang recipe na ito mula sa isang magasin noong naghahap ako ng extrang mapagkakitaan. Ang orihinal na lahok nito ay sari-saring seafoods tulad ng tahong, hipon at iba pa na medyo mahal. Para makatipid, pinalitan ko ng tuna ang mga iyon. Masarap din naman ang kinalabasan.
Para sa pasta:
1/2 kilo pasta
1 small can tuna
1 all purpose cream
I small can evap
1 chicken broth cube
Sibuyas
Oil
Salt and peper to taste
Para sa sauce:
Igisa nang mabuti ang tuna. Ihalo sa mantikang panggisa ang mantika mula sa tuna.
Ihalo ang chicken broth cube
Ilagay ang all purpose cream, lutuin nang mabuti.
Ilagay ang evap. Huwag pakuluin nang husto para hindi masunog at magbuo-buo ang gatas.
Lagyan ng asin at paminta ayon sa panlasa.
Ihalo sa pasta
Para sa pasta:
Magpakulo ng tubig na may halong mantika at asin. Maaari ring lagyan ng cubes para lumasa sa pasta.
Ilagay ang pasta kapag kulung-kulo na.
Hanguin kapag walang nang puti sa gitna pero hindi naman malambot na malambot (al dente)
I-strain at hugasan sa malamig na tubig para tumigil ang pagluluto at mapanatili ang texture nito.
Kayang kainin ng 10 katao.
Puhunan: P100+
Gross income: P250
Read more about this by clicking the Read More Link below. Like this post? Click the button and let the whole world know! You can also subscribe to my feeds and follow my blog so you'll never miss a thing. Smiles!
No comments:
Post a Comment
Your 2cents worth please? :DD