Friday, May 1, 2009

Recipe: Mushroom Burger Steak

Kagabi kumain kami ng homemade burger steak, isang recipe na natutunan ko mula sa nanay ko. May mga idinagdag na rin ako sa paggawa ng masustansyang burger patties. Nilalagyan ko ito ng button mushrooms. At ang isang sekretong natutunan ko para sa crispy on the outside but juicy on the inside na mga patties at bola-bola, gumamit ng bread crumbs sa halip ng karaniwang arina. Tuwang-tuwa ang mga bata dahil naka-Jollibee kami at kumpleto pa sa gravy at mushroom. Nagkatuwaan sila na kortehan ang kanilang mga kanin ala-1 cup of rice.

Eto ang recipe para sa burger patties

1 pirasong itlog
Asin at paminta ayon sa panlasa
Bawang at sibuyas, tinadtad nang pino, ayon din sa panlasa
¼ kg giniling na karneng baboy (pwede ring bakam pero mas kaunti ang sebo ng sa baboy)
Sandakot na button mushrooms, tinadtad nang pino (pwedeng mas marami pa kung gusto niyo)
1 tasang bread crumbs
½ tasang kinayod na keso (parmesan kung mayroon, pero pwede na ang simpleng keso)


Painitin ang kawali at mantika.
Sa isang malukong, paghalu-haluin ang mga laman, maliban sa karne. Ito ay para maiwasang masyadong mahalo ang karne, kundi’y magiging makunat ito.
Kapag nahalo na nang mabuti ang lahat, ilagay na ang karneng baboy.
Ilagay ang katamtamang sukat sa kawali at iprito nang husto.



Para naman sa gravy

1 latang gatas na evaporada
1 cube ng baka

Lutuin ang gatas na eveporada.
Ihalo ang cube ng baka.
Haluin nang mabuti para hindi masunog ang gilid.
Hanguin.

Bon appetit!


Read more about this by clicking the Read More Link below. Like this post? Click the button and let the whole world know! You can also subscribe to my feeds and follow my blog so you'll never miss a thing. Smiles!

No comments:

Post a Comment

Your 2cents worth please? :DD

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails