I have been vocal of my fascination with Alice Walker. This is a Pilipino translation of her poem Dying which she wrote for “those who with our taxes die from torture.” I, in turn, dedicate this to the Morong 43 who continue to be detained by the AFP despite glaring evidences of lapses in procedure and sheer inconsistencies of the bases of arrest.
Pagkamatay
Para sa mga namamatay sa tortyur gamit ang ating mga buwis
Paano nga ba
Ang mamatay?
Tulad ba ito ng
Paglubog sa
Isang batya
Ng mainit na gatas?
Tulad ba ito
Ng hubo’t hubad
Na pagbibilad
Sa Araw
Sa mga unang
Nakakapasong
Araw
Ng Tag-init
Matapos ang
Isang Taglamig
Sa nagpangatal
Sa iyong
Mga ngipin?
Ang mamatay
Sa tingin ko
Ay maaring
Tulad niyon.
Higit sa lahat,
Sa iyo
Ito.
Isang
Ligtas
Na lugar.
Maaaring
Kinokuryente
Nila ang
Iyong
Mga daliri
Sa paa
Sa panahong iyon
O
Binubunot
Ang
Mga kuko mo
O
Pinahihinto
Ang
Tibok ng
Nahihintakutan
Mong puso
Sa iba pang
Mapanlikhang
Paraan.
Ngunit
Sa pagkamatay
Matatakasan
Mo
Sila
Patungo
Sa
Kapayapaan.
Hinding-hindi
Nila
Malalaman
Ang
Bagay
Na
Tanging iyo
Lamang.
Sa iyo
Lamang
Ang pagkamatay.
Katangi-tanging
Nilalang;
Anuman
Ang iyong nagawa.
Lihim mo
Ang pagkamatay.
Read more about this by clicking the Read More Link below. Like this post? Click the button and let the whole world know! You can also subscribe to my feeds and follow my blog so you'll never miss a thing. Smiles!
No comments:
Post a Comment
Your 2cents worth please? :DD