Kuha ito sa Northern Luzon kung saan marami pa rin ang nagma-mama (o moma). Ito may ay saligang mga sangkap na bunga (bua/betel nut), apog at buyo. Nginangata ito at idinudura ang katas, pwede ring lunukin kung gusto mo.
Noong nakaraang taon, pinagtaibay sa Baguio ang isang ordinansa na nagbabawal na sa pagdura ng moma. Bilang isang lunsod kasi na naka-asa sa turismo ang ekonomya, hindi daw magandang tingnan na marumi ang paligid. At isa ang mapupulang bakas ng moma na napagdiskitahan.
Hindi ko lang nakuhanan ng litrato noong minsang nasa terminal kami ng bus papuntang Sagada, may nakapaskil na Bawal ang Moma at sa ilalim ng paskil na ito, isang matandang ngumunguya-nguya, syempre ng moma. May iba pang turistang naroon na nagpicture-picture pa sa ilalim ng paskil na iyon, pagkatapos, sabay sabing, "Ano ang moma?" (sabay-sabay tayo: "Nyeee!").
Read more about this by clicking the Read More Link below. Like this post? Click the button and let the whole world know! You can also subscribe to my feeds and follow my blog so you'll never miss a thing. Smiles!
No comments:
Post a Comment
Your 2cents worth please? :DD