Monday, November 23, 2009

Paskong Paksiw

Paskong paksiw yata tayo ngayong Disyembre. Parang si Mike Enriquez kasi ang mga problemang dumarating dahil hindi tayo tinatantanan. Biruin niyo, magtatapos na lang ang taon, dumating pa ang napakalalakas na bagyo. Winasak ang mga bahay, kinuha ang mga buhay at pinataas ang presyo ng mga gulay!

Ngayon, makalipas ang halos dalawang buwan, may ilan nang nagsisimulang bumangon kahit paano. Sa amin nga, mejo mukha nang bahay ulit, pero malayo pa rin sa dating itsura nito.



Pero muling nakaamba ang pagtaas ng presyo ng pamasahe dahil sa biglaang pagtataas ng presyo ng langis. Syempre, kapag tumaas yun, pati presyo ng ibang bilihin, susunod.

May nafeature sa GMA na isang kakaibang belen. Kumpletos rekados naman, may Joseph, Maria at Jesus at mayroon ding mga hayop sa paligid ng munting sabsaban. Iyun nga lang, mga taong biktima ng nagdaang kalamidad ang mga bisita doon at mga bigas ang dalang alay. Salamin ng pag-asa pa rin ng mga Pinoy kahit binugbog ng kalikasan.

Kahit naman siguro Paskong Paksiw tayo ngayon, masaya pa rin kahit paano. Mayroon pa ring mga ipagpapasalamat at mayroon pa ring pag-asang matatanaw kahit aninag man lang ng susunod na araw. Masarap naman ang paksiw, di ba? Maligayang Pasko!

Read more about this by clicking the Read More Link below. Like this post? Click the button and let the whole world know! You can also subscribe to my feeds and follow my blog so you'll never miss a thing. Smiles!

No comments:

Post a Comment

Your 2cents worth please? :DD

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails