Isang recipe na natutunan ko sa paglalakwatsa ko ay ang napakasarap na luto sa santol. Mayo na at malapit na ang tag-santol. Kung medyo mahirap na kumuha mula sa sarili nyong puno, mamulot na lang ng mga bagong laglag, o kaya’y bumili. Hinahanap-hanap na rin ito ng panlasa ko kaya naisip kong ibahagi sa inyo ang recipe. Sigurado akong magugustuhan niyo ito.
Mga kailangan:
2 kilong santol, tinanggalan ng buto at kinayod ang laman
Gata
Bagoong alamang, halagang P15
Sibuyas at bawang
Asin at paminta ayon sa panlasa
Una, pigaan nang kaunti ang kinudkod na santol para mabawasan ang asim nito.
Ikalawa, ilagay ito sa kaldero, kasama ang ibang lahok.
Ikatlo, hayaang kumulo at maluto.
Presto! Malinamnam na ginataang santol.
Read more about this by clicking the Read More Link below. Like this post? Click the button and let the whole world know! You can also subscribe to my feeds and follow my blog so you'll never miss a thing. Smiles!
Uy, nami-miss ko rin ito, hehe.
ReplyDeleteMads, lagi ako wala load kaya di ko masagot text u.
Pasensya na sa outburst ko dun sa WTIA article ko, hindi ko lang siguro matanggap na may mga taong sadyang mean kahit wala ka namang ginagawa sa kanilang masama, hehe. Reality check lang siguro iyun.
oo nga eh. mukhang walang mga pera ang mga tao kaya di tayo matutuloy kina karen. pwede ba sa inyo?
ReplyDelete