Thursday, May 7, 2009

Tag-ulan 2009


Maagang dumating ang tag-ulan ngayon. Sabi ng PAGASA, ang pagbabagong ito ng panahon ay dulot na ng climate change. Sa mga susunod na panahon, malamang na magbago na ang nakasanayan nating klima. Mas mainit na tag-init, at mas maulan na tag-ulan. Baka nga pati ang pasukan at bakasyon, baguhin din bilang tugon at pagsasaalang-alang din sa mga estudyante, lalo ang mga bata.

Hindi pa mang ganap na nakakapasok ang buwan ng Mayo, dalawang bagyo na ang nakapasok sa Area of Responsibility ng Pilipinas, si Crising at Dante. Mas maaga siguro ngayong makakapagtanim ang mga magsasaka. Sa pagkakaalam ko kasi, bago sila magtanim sa mga kaingin, hinihintay nila ang unang malakas na buhos ng ulan ng Mayo. Kailangan daw kasing may isang dangkal man lang ng basang lupa bago itanim ang mga butil ng mais o palay. Sinisiguro nito na may sapat na tubig ang binhi hanggang sa pagsapit ng tag-ulan.
Pero, hindi pa rin ako umaasa na dahil maaaring mas maagang magtanim ngayon eh, huhusay na ang kalagayan nila dahil dadami ang maaani. Sa kabaligtaran, mas bababa ang ani nila dahil mapipinsala ng nagbabagong panahon at mas malalakas na ulan. Bukod pa ito sa matagal nang numero unong problema ng mga magsasaka, ang kawalan ng lupa.

Nabasa ko kanina lang na may 500 magsasakang pinapalayas mula sa Hacienda Luisita. Hindi pa rin matapos-tapos ang kaso ng Task Force Mapalad dahil laging may naghahabol sa desisyon ng Korte na ibigay sa mga magsasaka ang lupa. Maski sa napakagandang Kordilyera, problema doon ang pangangamkam ng mga kumpanya ng mina sa lupain ng mga katutubo.



Paano nga ba naman magkakaroon ng laban ang mga magsasaka sa pagdagsa ng napakamurang mga gulat mula sa Tsina kung wala naman silang malaking suporta mula sa gubyerno? Nag-aalala ang mga magsasaka ngayon dahil sa 2010, ganap nang gagana ang kasunduan sa GATT-WTO? Ibig sabihin, higit na mabubuksan ang merkado natin sa mula murang gulay ng Tsina, na ang eksport ay 1% lamang ng buong kapasidad nila sa pagtatanim ng gulay?

Napakalaking usapin nito noong 1997. Maraming Pilipino ang tumutol sa pagpirma ng Pilipinas dito, pero nanaig pa rin ang mga makapangyarihan. Ngayon, 2009, inaani na natin at patuloy pang aanihin ang mga bunga nito, kahirapan at pagiging basurahan ng mga sarplas na produkto.

Read more about this by clicking the Read More Link below. Like this post? Click the button and let the whole world know! You can also subscribe to my feeds and follow my blog so you'll never miss a thing. Smiles!

No comments:

Post a Comment

Your 2cents worth please? :DD

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails