Thursday, April 30, 2009

Jun Lozada Arrested: Irony of Ironies


Who doesn't remember Jun Lozada? The whistleblower on the NBN-ZTE scam who admitted to having had a change of heart after brokering the said deal. He coined the weird call for politicians to "Moderate Your Greed."

This morning, he was arrested at the La Salle Greenhills campus after arreting police used a password to gain access to the grounds, "Birthday Party sa Cebrero."

Irony of ironies, the whistleblower gets arrested while the big names remain scot-free. This is justice in a country run by erring and corrupt officials, the small fry gets thrown in the pan while the big fish/es make their swim to freedom.

Read more about this by clicking the Read More Link below. Like this post? Click the button and let the whole world know! You can also subscribe to my feeds and follow my blog so you'll never miss a thing. Smiles!

Nawawalang Bata: Please Help!



I saw this in my multiply inbox, I don't personally know them, I'm just lending a helping hand. I was told kidnapping syndicates employ various methods, and one such modus operandi is this, telling the child that their mom/dad asked them to pick her up. This happens in schools, at the mall, basically anywhere. Teach children to be wary of strangers, kids and adults alike.

I almost had a similar story last month. Good thing my daughter did not get on the elevator. The one taking her is a 10-year old girl.

This is the original message from the child's relatives:

We badly need your help. My niece has been missing since this afternoon. A stranger picked her up from school and we haven't heard anything about/from her until now. Her name is Abigail Joy Ty (nickname: Angel/Bageng). She's 10 years old and was last seen at St. Anne's Learning Academy in Meycauayan, Bulacan at around 12:30 noon. If you happen to have any information leading to Angel's whereabouts, please contact:

Benjamin Ty (her father) - 09298562037

Jessica Chua (me) - 09175310020

I'm praying for the child's safety. I hope that there's someone out there who can help Jec and the child's father. Above are her pictures.
You may also help by spreading this message/post to your friends. Thank you.

Read more about this by clicking the Read More Link below. Like this post? Click the button and let the whole world know! You can also subscribe to my feeds and follow my blog so you'll never miss a thing. Smiles!

A Child's Wisdom




Mula sa bibig ng bata : ang hulaping ---han, --an

Ang –han o –an ay mga hulapi na idinadagdag sa salitang ugat para bigyan ito ng bagong kahulugan. Ang salitang ugat ay ginagawa nitong isang pangngalan na tumutukoy sa lugar, pangyayari at iba pa.

Halimbawa:

Salitang-ugat

+ hulapi

= bagong salita

Parada

+ han

= paradahan o lugar na pinagtitigalan ng bus, dyip, traysikel at iba pang sasakyan.

Mangga

+ han

= manggahan o isang lugar na maraming tanim na mangga

Kurot

+ an

= kurutan o isang pangyayari kung saan nagpapalitan ng kurot ang dalawa o marami pang tao

Isang araw, sabi ng anak ko, punta daw kami sa babyhan. Nagulat ako. Anong ibig niyang sabihin? Ano ang babyhan?

a. Isang lugar kung saan maraming mga baby

b. Isang lugar kung saan ginagawa ang mga baby

Syempre, letter a ang sagot. Sa murang kaisipan ng bata at limitadong kaalaman pa sa lenggwahe, naunawaan niya na ang batayang konsepto ng paglalagay ng –han at –an sa lenggwaheng Pilipino. Lumaki rin siyang bahagi ng araw-araw na pananalita ang baby kaya naisip na bahagi ito ng Pilipino at kung gayon, maipapailalim sa mga tuntuning pambalarila ng Pilipino.

Ang babyhan sa lenggwahe ng anak ko ay katumaba sa wikang Ingles ng nursery. Kung kayo ang tatanungin, ano ang wastong pamimilipino sa nursery...

Sanggulan

Batahan

Anakan

Suplingan

Magdagdag pa kayo....

Read more about this by clicking the Read More Link below. Like this post? Click the button and let the whole world know! You can also subscribe to my feeds and follow my blog so you'll never miss a thing. Smiles!

Ang mga Yaya at mga Loser


Kahuhupa lang ng galit ng sambayanan sa isinulat ni Chip Tsao, isang manunulat sa Hongkong, tungkol sa relasyon ng Pilipinas at ng Tsina. Sa katunayan, bagamat isang political satire ito (magandang termino lamang para sa elegante, mukhang matalinong, panunuya) tungkol sa Baselines Bill at Spratlys, mas napansin ng mga tao ang pahayag ni Tsao sa mga DH (domestic helper) na Pinay. Tinawag niyang isang bansa ng mga alila ang Pilipinas. Marami ang nagtaas ng kilay at kamao hinggil dito, hindi maatim na tawaging isang bansa tayo ng mga alila, dahil sa ating kinalakhang hirarkiya sa lipunan, halos nasa pinakamababang andana ang mga kasambahay.

Pero heto ang isang segment sa patok na patok na Bubble Gang na lalong nagpapababa sa pagtingin sa mga kasambahay, sina Angelina at Yaya. Sa segment na ito, Angelina, na ginagampanan ni Ogie Alcasid, ay isang batang laki-sa-layaw, at si Yaya, na ginagampanan ni Michael V. bilang isang hamak na yaya. Dito nauso ang ekspresyon na “Whatever yaya, you’re such a loser.”

Sa unang tingin, parang walang masamang epektong idudulot ito dahil biruan lang naman ito, joke-joke-joke ika nga. Pero kung susuriin natin ang telebisyon bilang isang bahagi ng superistruktura, ng kultura, higit na seryosong bagay ang “Whatever yaya, you’re such a loser” na ito.

Una, itinataguyod nito ang kaisipan na walang alam ang mga taong mababa ang uri ng trabaho. Ibig sabihin, hindi na dapat pakinggan pa ang kanilang sinasabi dahil wala naman itong laman at kung gayon, walang kwenta at aksaya lamang sa panahon.

Ikalawa, ibinababa nito ang pagtingin sa mga blue-collar jobs o mga trabahong mano-mano. Dahil ba isang hamak na yaya lamang si yaya, maari na siyang sagut-sagutin, kutyain at pagtawanan ni Angelina?

Ikatlo, ginagawa nitong normal na hamak-hamakin na lamang ang mga kasambahay at iba pang hindi nagtatrabaho sa opisina

Napakatindi ng galit natin kay Chip Tsao noong nakaraang buwan lamang. Siguro dahil masakit marinig ang katotohanan na marami sa mga lumalabas ng bansa para maghanap ng trabaho ay nauuwi sa mga trabaho na hindi nila akalaing papasukin nila kung titingnan ang kanilang mga pinag-aralan. Mukhang mali ang pinagbabalingan natin ng galit at kahihiyan.

(Hindi ba’t imbes na magpaluwal ng higit na trabahong mapapasukan at sapat na mapagkakakitaan dito sa Pilipinas, binuo ni GMA ang programa ng Supermaid para maglabas ng mas matatalino at mapamaraang mga katulong? Hindi ba’t imbes na ayusin ang programa sa edukasyon para umangat ang kalidad ng mga manggagawa at kawaning Pilipino at kung gayon maging globally competitive, iginiit ng gubyerno na gamitin ang Ingles sa mga paaralan para masanay ang mga estudyante rito at maging lalong katanggap-tanggap sa mga trabaho sa ibayong-dagat at kahit dito sa loob ng bansa?)

Pero, ano nga ba ang masama sa pagiging isang yaya o katulong, drayber o boy? Sa artikulong nabasa ko sa dyaryo, hindi naman masama ang tingin ng ibang bayan sa ganitong mga trabaho. Hindi naman mababa ang pagtingin nila sa mga gasoline boy, karpentero at mekaniko. Sa katunayan, isa silang mahalagang bahagi sa kabuuan ng lipunan.

Dito sa atin na matindi ang kolonyal na mentalidad, ang pag-iisip ng naghahari at pinaghaharian, ng amo at katulong, mas mababa ang pagtingin natin sa mga huli, itinuturing na mas mababang uri ang mga ito.

Hindi naman masamang magbiro, pero tingnan din natin kung kanino nagsisilbi at sino ang pinagtatawanan ng ating mga biro.

Read more about this by clicking the Read More Link below. Like this post? Click the button and let the whole world know! You can also subscribe to my feeds and follow my blog so you'll never miss a thing. Smiles!

Tuesday, April 28, 2009

Nicole: Biktima ng Sistema



Nung nakaraang linggo, muling tumampok sa balita si Daniel Smith dahil sa balita ng pagpapawalang-sala ng Court of Appeals sa kasong panggagahasa. Kung matatandaan natin, naging kontrobersyal muli ang kaso dahil sa pag-atras ni Nicole sa kasong kanyang isinampa laban kay Smith. Naging isang patunay din ito sa pagiging tagibang ng VFA pabor sa US.

Hindi man aminin ng mag-inang Nicole na nagkabayaran at nagkaaregluhan na, ito lamang ang tanging mahihinuha mo sa nangyaring pag-aatras sa kaso sa kabila ng matinding suporta ng mamamayan para kay Nicole at laban kay Smith at sa VFA na pinagmulan ng lahat. Nakakapagtaka ang mga sirkunstansya na nakapaligid sa pag-atras ng kaso. Ang biglaang pagkansela sa serbisyo ni Ursua bilang abodago ni Nicole. Ang pahayag ni Nicole na taliwas sa lenggwaheng kanyang sinasalita. Ang pagrarason o pagkampi sa kwento ayon sa pagkakasabi ng mga abogado ni Smith. Ang mabilis na pag-apruba sa kanyang visa patungong US. Lalo syempre ang mga pahayag na, pribadong indibidwal kami, gusto lang namin ng tahimik na buhay.

Sa kabilang panig, wala na si Smith sa bansa. Lumabas na balita na noong Huwebes palang (nung araw na lumabas mismo ang hatol ng pagpapawalang-sala) umalis na si Smith sa bansa. Nagkaroon pa ng mga alingasngas dahil mukhang mabilisan ang ginawang paglabas kay Smith sa bansa kaya maging ang ilang opisyal sa isang ahensya ng gubyerno ay nagulat sa balitang iyon. Mukhang sinunggaban na ng US Embassy ang paborableng hatol na ito para ilabas si Smith. Pansinin na Court of Appeals ito, maaari pang iapela ang kaso sa Korte Suprema. Samantalang noong ipinagutos ng Korte Suprema na ilipat si Smith sa ibang kulungan, napakaraming pagtutol ng Embahada kesyo hindi pa tapos ang kaso, kesyo hindi malinaw ang ganoong probisyon sa VFA, atbp.

Hindi ako galit kay Nicole. Sa katunayan, naaawa ako sa kanya dahil binawi man niya ang kanyang pahayag na siya ay ginahasa, biktima pa rin siya. Biktima pa rin si Nicole ng lipunan na higit siya ikinundena sa pag-atras niya dahil “mukha namang kalapating-mababa-ang-lipad.” Higit sa lahat, biktima si Nicole ng sariling gubyerno na higit na ipinag-aalala ang impresyon sa ibang bansa kaysa pangalagaan ang kanyang mamamayan.


Read more about this by clicking the Read More Link below. Like this post? Click the button and let the whole world know! You can also subscribe to my feeds and follow my blog so you'll never miss a thing. Smiles!

Mga Tips mula kay John Chow

Ilang buwan palang akong nagbo-blog. Masasabing medyo nahuhuli na ako na panahon dahil bagong diskubre ko palang ang blogging. Syempre,tulad ng lahat ng iba pang tao, gusto ko ring kumita mula rito. Sa kahahanap ko ng kung anu-anong mapagkakakitaan natalisod ko ang Making Money Online ni John Chow.




Isang libreng ebook ang ibinibigay nya na lakip ang napakaraming bagay na pwede mong gawin sa internet para kumita ang iyong webpage o blog. Bukod sa mga kumpanya na inrerekomenda niya, may ginawa siyang listahan kung paano maging isang matagumpay na blogger – anu-ano ang katangian nito, anu-ano ang dapat gawin nito, at anu-ano ang mga karaniwang pagkakamali ng isang blogger.

Syempre, hindi mawawala ang mga kalokohan na ginawa niya noong nagsisimula pa lang siya para makakuha ng malawak na mamababasa.
May ilang bahagi lang na medyo nahirapan akong intindihin dahil web-speak ang ginamit niya. At dahil nga bago lang ako sa ganitong larangan, hindi ko naintindihan kung paano gawin kahit naunawaan ko ang prinsipyo nito.

Ang sabi niya sa kanyang ebook noong 2007, lumalakas na ulit ang internet, mula sa pagputok ng unang bula nito noong bandang 2000. Malaki na rin ang iniunlad ng kanyang kumpanya at mukhang lalaki pa ito. Ang Making Money Online ni John Chow ang bago kong bibliya ngayon,hanggang sa magkaroon ako ng kahit P50,000 kada buwan na kita lang muna mula sa internet.

Read more about this by clicking the Read More Link below. Like this post? Click the button and let the whole world know! You can also subscribe to my feeds and follow my blog so you'll never miss a thing. Smiles!

Monday, April 27, 2009

Tag-init 2009





Kapag pumasok ang mga buwan ng Abril at Mayo, upisyal na panahon na ang tag-init. Panahon na ito ng pagbabakasyon sa mga probinsya para makapahinga mula sa gulo ng mundo sa kalunsuran. Panahon din ito ng napakaraming pyesta at handaan.

Naalala ko nung kabataan ko, lagi kaming nabubundat ng mga pinsan ko kapag nag-iikot kami sa mga pyesta. Laging masarap ang mga handa at syempre, laging napakakulay ng paligid.

Pero ngayon, isang taon bago ang eleksyon, ibang mga banderitas ang nakasabit sa mga linya ng kuryente. May mga bumabati ng Maligayang Pagtatapos. Mayroong Happy Fiesta. Mayroon ding Merry Christmas pa ang mensahe. kahit pa napakaraming mensahe ang nakalagay dito, iisa ang komon na katangian ng mga ito, lahat ng mga banderitas ay mula sa mga pulitiko, sa lokal at nasyunal, at may mga mukha nilang nakaplastar.




Ngayong tag-init ng 2009, upisyal nang nagsimula ang panahon ng eleksyon.

Pansinin na mas dumadalas na ngayon ang dati-rating mangilan-ngilang mga komersyal ng mga pulitiko. Si Manny Villar, si Ping Lacson at ngayon, pati na si Mar Roxas, ang hari ng mga komersyal, samantalang si Loren Legarda naman ang reyna sa radyo (may blocktime siya sa DZRH tuwing umaga sa loob ng ilang buwan na rin).

Ang totoo naman, noong nakaraaang taon pa lamang, gumagana na ang mga makinarya nila para sa kampanya. Hindi ba't pinakamaagang nangampanya si G. Metro Gwapo Bayani Fernando gamit ang pondo ng MMDA? Siya yata ang pinakamasahol, walang kahihiyang ginagamit ang kampanya ng MMDA pati na rin ang pondo nito para makapagkabit ng naglalakihang litrato niya sa buong Metro Manila. Si Mar Roxas at Ping Lacson din, medyo garapal ang mga komersyal, halatang namumulitika na. Si Ping bilang pambalanse sa naging pagbuhay sa Dacer case. At si Mar naman, epal lang ang komersyal, sabagay mas malakas naman ang hatak ng kaniyang GF para sa publisidad na kailangan niya.samantalang kay Manny Villar, lagi naman nang lumalabas ang "kabutihang-loob" niya sa mga OFW, sa pamamagitan ng mga komersyal na siya rin ang nagprodyus. Si Loren naman, napansin kong mas matapang na siyang bumatikos kay GMA ngayon. Dahil kaya hindi na siya ang gagawing standard bearer ng Lakas-Kampi?




Tunay na napakainit ng panahon. Pinaiinit naman nito ang ating mga katawan. At lalong nag-iinit ang mga eksena, sa paglabas ng mga lumang isyu na kinasangkutan ng mga nangangarap maging kandidato sa pagkapangulo o pagkasenador.

Ang sabi nga ng lumang palabas sa telebisyon, Abangan ang susunod na kabanata.

Read more about this by clicking the Read More Link below. Like this post? Click the button and let the whole world know! You can also subscribe to my feeds and follow my blog so you'll never miss a thing. Smiles!

Wednesday, April 22, 2009

Sa magkanong halaga?


Noong Sabado, 18 Abril, nakalaya na si Andreas Notter, isa sa tatlong kasapi ng International Red Cross Committee (ICRC), mula sa kamay ng Abu Sayyaf. Ang tanong, paano nangyari ito?

Balikan natin ang mga pangyayari, Enero ng taong ito nang dakpin sila ng Abu Sayyaf. Lumabas ang mga pahayag na hindi ipapatubos ang mga bihag, kundi intrumento lamang para makahatak ng atensyon ang Abu Sayyaf at maipahayag ang kanilang mga hinaing. Nanawagan sila ng mga proyektong pangkaunlaran para sa Mindanao. Nakita natin ang kuha ng mga Abu Sayyaf kasama ang mga hostage nila. Maaliwalas ang mga mukha ni Lacaba, Notter at Vagni. Lumipas pa ang mga araw, naglabas ng pahayag ang Abu Sayyaf na maniningil na lang daw pala sila ng panigarilyo, hindi ransom ha, panigarilyo, sa halagang 5 Milyon. At HINDI 5 Milyong PISO ha, 5 Milyong DOLYAR. Pagkatapos nito’y serye ng madrama at tensyonadong mga tagpo sa pagitan ng mga pulitiko at militar.

Abril 2, napabalita na lumaya na si Lacaba, sa tulong ni Vice. Gov. Lady _____. Hindi naglabas ng pahayag si Lacaba. Nagpatuloy ang pakikipagnegosasyon para sa paglaya ng dalawang pang myembro ng ICRC, sa gitna ng pagmamatigas ng gubyerno na hindi sila magbabayad ng ransom sa Abu Sayyaf kapalit ng mga bihag. Bahagyang tumahimik ang ingay ng mga pulitiko na nag-aagawang makuha ang merito ng pagpapalaya sa mga bihag.

Abril 18, lumaya na rin si Andreas Notter. Maraming bersyon ng kanyang paglaya ang lumutang. Ano ang tunay na kwento ng kanyang paglaya?

Kwento #1: Abril 18, 5:30 ng umaga, nakuha ng mga pulisya ng Siasi at Civilian Emergency force si Andreas Notter sa mga barangay ng Katian at Mangilop, Indanan, Sulu. Ayon kay Gob. Abdusakur Tan, nalaman daw ng mga bandido na napakalapit ng pwersa ng gubyerno sa kanilang pusisyon at nagpasya ang mga ito na tumalilis dahil nasa bentaheng pusisyon ang mga sundalo. Sa pag-atras ng bandidong grupo, naiwan si Notter at nagawang makatakbo palapit sa pusisyon ng pulisya at sundalo. (Inquirer, 19 April)

Kwento #2: Ayon naman sa isang sibilyang boluntaryo na kasama sa nakakuha kay Notter, pinakawalan ito ng Abu Sayyaf sa Barangay Lipunos, Parang noong maghahatinggabi ng Biyernes. Ayon sa boluntaryo, minobilisa sila patungong Parang. Akala daw nila ay may operasyong ilulunsad, ngunit pagdating nila doon, sinalubong sila ng mga armadong kalalakihan at ibinigay sa kanila ang isang dayuhan, inakala nilang si Vagni. Maging ang tagapagsalita ng Task Force ICRC, si Lt. Col. Edgard Arevalo, ay nagulat sa biglang paglaya ni Notter. (Inquirer, April 18)

Kwento #3: Umaatras ang grupo ng mga bandido kasama si Notter hanggang napansing niyang mag-isa na lamang siya. May kung anu-ano ginagawa ang mga bandido, halimbawa biglang uupo, magtatali ng sintas ng sapatos, atbp. (Inquirer, April 20)

Kwento#4: Naglalakad daw si Notter at ang mga bumihag sa kanya, nalaglag ang isa at maya-maya pa’y wala na daw paligid niya ang mga bandido. Sinundan niya ang daan palayo, sa tanglaw ng mga bituin. (DZRH, April 22)

Ano ang totoo? Hulaan niyo.

Hint: Bago naganap ang mga pagpapalaya sa dalawang bihag, maugong ang balita na pumunta ng Mindanao ang isang mataas na upisyal ng gubyerno, ang inisyal ng pangalan niya ay Republic of the .Philippines.

Read more about this by clicking the Read More Link below. Like this post? Click the button and let the whole world know! You can also subscribe to my feeds and follow my blog so you'll never miss a thing. Smiles!

Tuesday, April 21, 2009

Ang PNP sa panahon CSI at COPS


Bad boys, bad boys
watcha gonna do
watcha gonna do
when they come for you

Sa kontrobersyang kinasasangkutan ng brodkaster na si Ted Failon, muling naging sentro ng atensyon ang Philippine National Police (PNP), partikular ang Quezon City Police Department (QCPD). Marami ang nagalit sa kanilang inasta habang nagsasagawa ng imbestigasyon sa kaso ng pagkamatay ni Trina Etong, ang maybahay ni Ted Failon. Marami ding tanong at obserbasyon ang lumitaw noong panahong ito. Dahil sa pangyayaring ito ay kinasasangkutan ng isang kilalang personalidad sa larangan ng pabatirang-madla dahil sa mga ekspose at paghihimay ng mga balita, higit na panasin ang nakuha ng kasong ito ng pagkamatay ni Trina, at gayundin, ng QCPD at PNP.


Una sa lahat, at ang umani ng pinakamalaking pagbatikos ay ang proseso ng pang-aaresto ng QCPD sa mga pinaghihinalaan. Citizen's Arrest daw ang kanilang ginawa dahil "nandun na sila." Citizen's Arrest ang tawag sa pang-aaresto ng walang mandamyento mula sa korte dahil nagaganap pa o on-going ang krimen. Huli sa akto, kumbaga.

Maliban dito, kung mapapansin ng manonood, hindi binasahan ng Miranda Rights, na laging ending ng COPS sa bawat matagumpay na pag-aresto, ang inaarestong pinaghihinalaan. Ang Miranda Rights ang "You have the Right to Remain Silent..." Ang Miranda Rights ang pagkilala sa karapatan ng mga pinaghihinalaan bilang malayang mamamayan pa rin.

Hindi eksepyunal ang karahasang inabot ng pamilya Failon. Ganito ang treyning ng ibinigay sa PNP, ganito ang nakagisnan nilang kultura ng karahasan (tingnan ang blog ko tungkol dito sa adaengkantada.wordpress.com
)Sa katunayan, mas malala pa rito ang inaabot ng mga inaarestong suspek na walang pera at walang malaking pangalan.

Ikalawa ang paraan ng pangangalap ng ebidensya. Sa partikular na kasong ito, nagalaw na ang pinangyarihan ng krimen (crime scene). Malinis na ang banyo na kinalugmukan ni Trina. Sumunod na eksena ang paghahakot ng QCPD sa mga gamit sa banyo para makita daw kung may mga tilamsik ng dugo. Bakit hindi na lang nila sila nag-swab dito o kumuha ng mga sample sa pamamagitan ng pagpapahid ng cotton buds sa mga bagay na malamang na natilamsikan ng dugo? O kaya, dahil malinis na ang banyo, nag-spray ng chemical X, gaya ng sa CSI, para makita ang mga labi ng dugo at ang konsentrasyon, ang pagkalat at ang direksyon ng tilamsik?

Bukod pa rito, nagsagawa rin sila ng paraffin test kay Ted Failon, at nagbabalak na isailalim sa lie detector test ang iba pang pinaghihinalaan. Ayon sa isang forensic expert, hindi tinatanggap ng korte bilang ebidensya ang mga datos na nakakalap kapwa sa paraffin at lie detector test. Kung gayon, bakit pa ito pag-aaksayahan ng panahon at pera ng bayan kung hindi rin naman makakapagbigay-linaw sa pagkamatay ni Trina at magsisilbing matibay na ebidensya kung saka-sakali?

Ang kaso ng pagpapakamatay/pagpatay kay Trina, bukod sa pagiging trahedya ng buhay, ay nagsiwalat sa kakapusan ng rekurso at pagsasanay ng PNP. Kakapusan sa rekurso para sa mahusay na pangangalap at pagtitipon ng kongkretong ebidensya para sa paglutas ng mga kaso. Kakulangan sa pagsasanay para sa makatarungan at makataong pagtrato sa mga pinaghihinalaan, mayaman man o mahirap.


Kung ganito ang nagpapatupad ng batas sa Pilipinas, may katarungan pa bang maaasahan? Sabi nga ni Patricia Evangelista sa kanyang pitak, “Kung mayroon mang papanig sa mamamatay-tao, ito ay dahil mas naniniwala sila sa kanya kaysa pulisya." Ito ang tunay na trahedya.

Read more about this by clicking the Read More Link below. Like this post? Click the button and let the whole world know! You can also subscribe to my feeds and follow my blog so you'll never miss a thing. Smiles!

Bias (pagkiling)



Ang paniniwala ng bawat tao ay makikita sa pagkiling o paninindigan nito sa mga bagay na nagaganap sa paligid niya.


Nitong nakaraang mga araw, nang pinuno ng balita tungkol sa isang trahedya ang mga dyaryo at telebisyon, nakita natin kung paano mag-isip ang mga tao na inakala nating o umaastang mga kampeon ng katotohanan at katarungan.


Noong Abril 15, niyanig ng balita na nag-aagaw-buhay ang kabiyak ni Ted Failon. Tunay na isang trahedya ito sa personal na buhay ng isang pampublikong personalidad. Subalit, trahedya din ito para sa mamamayang Pilipino.


Isang brodkaster si Ted Failon, alam niya kung paano mag-isip ang mga mamamahayag kapag may kwentong nagaganap. Napakaimportante ba niyang tao para hindi dumanas nito? Kung siya ang nasa katayuan ng mga mamamahayag, siguradong ipipilit din niya ang kaniyang sarili para makuha ang istorya para sa kaniyang istasyon. Ganoon na lamang ba kalaki si Ted Failon, para magsabing "No media, No police please"?Bakit ipinalinis ang banyo? Bakit ipinagutos sa mga kasambahay na walang magsasalita? Bakit hindi pa ibinibigay ang damit na suot ni Trina noong nabaril siya?


Isang hepe ng Public Attorney's Office (PAO) si Persida Acosta. Ang PAO ang sangay ng hudikatura na nagbibigay ng libreng serbisyong ligal sa mahihirap na Pilipino. Pagputok ng balita tungkol sa pang-aaresto kay Failon, sumugod na sa tabi niya si Acosta. Bakit? Indigent na rin ba ang turing kay Failon? Ang sabi ni Acosta, ginagawa lang niya ang kanyang tungkulin bilang isang abogado. Ang sabi ko naman, bakit hindi niya gawin ang kanyang tungkulin sa ibang higit at tunay na nangangailangan nito? Sa maraming kaso ng pagdakip, personal mang nakikita o napapanood sa telebisyon, bakit wala ni anino ni Acosta doon?


Ang QCPD ay bahagi ng sangay na tagapagpatupad ng pamahalaan. Tungkulin nitong pangalagaan ang mga batayang karapatang-tao ng mamamayan laban sa mga nagmamalabis dito. Subalit nitong nakaraan, muli nating nasaksihan ang brutalidad na kalakip ng pagpapatupad nila sa kanilang tungkulin. Gumaganti nga ba sila dahil sa pambabatikos ni Failon sa kanila noon lamang umaga bago mangyari ang lahat? Nakita rin natin kung gaano kaluma at kawalang-saysay ang ilang mga paraan na inaaasahan nilang makakakuha ng matibay na ebidensya laban sa mga pinaghihinalaan.

Ang sabi ng matatanda, makikilala mo ang tunay na ugali ng isang tao sa panahon ng kagipitan.

Tunay nga.

Read more about this by clicking the Read More Link below. Like this post? Click the button and let the whole world know! You can also subscribe to my feeds and follow my blog so you'll never miss a thing. Smiles!

Thursday, April 16, 2009

Universal Ecobags










Six degrees can change the world as we know it, said the natural scientists. Only eight years after climate change was brought to our attention quite effecively, numerous natural disasters have struck our country. What with the flooding of towns never before exposed to it, or abnormally heavy rains, a change in the temperature patterns and many more.

The campaign to save the earth, our earth, has increasingly become aggressive. Since the very first Earth Hour, the participants have increased a thousand-fold, with the Philippines reportedly among the top countries who pledged to turn off their lights. Aside from this, private corporations have jumped into the climate change bandwagon and actually cashed in on it.

If my memory serves me right, on 2005, 4 years after the official climate change report on 2001, the Philippines has finally started to raise public awareness on healthier, alternative lifestyle.

I first saw aggressive alternative marketing in the aisles of SM Supermarket. It seems, SM was the first to introduce an ecobag, its Green Bag. Green Bag is sold for P35, "a small price to pay for the benefit of a much cleaner and safer environment." This bag can be used in lieu of plastic bags when doing the groceries but not, I think for shopping inside the department store itself or the other botiques. National Book Store launced its Reduce Earth's Destruction Bag, or simply Red Bag. The Red Bag can be availed for free after a P1000 purchase or for P65 only. However, it has "limited stocks only." Rustan's Supermarket, as far as I can remember, also launched its reusable bag which it also sold for a few pesos.

These are just some ecobag-agents that I know of.

I commend these companies who seem to have gone green and support the awareness campaign for a better, cleaner earth. However, what bothers me is how these same companies are cashing in on the same campaign that should have been part of their corporate social responsibility as part of a society.

What I would most like to see is the emergence of a universal ecobag. A bag that can be used for the supermarket, a department store or a stylish boutique. A bag that can be used in SM, Rustan's, National Book Store, Landmark and other establishments. A bag that can be used at all times and in all shops and not just in certain places. An eco-friendly, reusable bag that is of a reasonable style. A bag that when used, will offer the customer more incentives. More importantly, an ecobag that is free of charge, willingly given and used by the establishment. I am willing to concede that it may be sold, but at very reasonable prices and that proceeds of the sale of the said bag should go to a fund meant for cleaning up the earth.

Or better yet, an unhampered shopping environment where people can just bring their own, personalized canvas or cloth bag which they can use for their shopping needs. If people would rather not pay for ecobags that malls et.al. are selling, then the malls should not bar the customer for using his/her own bag.

Last time I checked, the Department of Trade and Industry was also encouraging the use of bayong for our marketing needs. This is actually a very good idea. It not only stimulates our local economy, it also helps reduce the plastic waste we churn out.

At the very best, the local and national government should lead the campaign for these universal ecobags and bayong to create awareness and encourage more people to bag the plastic and opt for more green alternatives to shopping.

We can help save the earth by saving one plastic at a time. Small gestures add up to a lot.

Read more about this by clicking the Read More Link below. Like this post? Click the button and let the whole world know! You can also subscribe to my feeds and follow my blog so you'll never miss a thing. Smiles!

CAVEAT EMPTOR-pinoy version





Kung totoo ang mga bagay-bagay, mas mayaman na ako ngayon ng 1.28Milyon plus isang N95 na celfon.



Phone unit # 1

Phone Unit # 2

Sender’s name

Atty. Paolo Arenas

Atty. Alex V. Cuevas

Sender’s number

09094402872

09077216188

Storyline

PCCNS raffle , call sender to claim prize

2nd prize, sender is the Auditor of Phil. Charity Foundation

Draw Date

April 6, 2009

April 6, 2009

Prize won

P500,000 + N95 unit

P780,000

DTI Permit Number

0179

4778/s09

Date Text Received

April 7, 6:10 pm

April 15, 8:48 am


Ayan, ginawan ko pa ng tsart para mas madaling maintindihan....

Sa dalawang text sa magkaibang number mula sa magkaibang tao at cel#, sa magkaibang raffle pero parehong araw ng bola (drawdate), nanalo ako ng P1.28 Milyon at isang N95 na celfon. Isa kaya ito sa mga scam sa celfon? Katulad ng mga tusong nagpapasaload ng 300 pero sa isang text na mahusay ang pagkakasulat dahil nanalo ka kunwari at kailangan mong magtext sa format na space<300>, at isend sa 808, para makuha mo ang premyo mo.

Una sa lahat, hindi ako sumali sa anumang raffle, maliban sa Premyo sa Resibo, na hindi pa ako nananalo, kahit kelan.

Ikalawa, hindi tama ang format ng DTI permit number nila, kumpara sa mga lehitimong promos (mula rin sa Smart).

Ikatlo, ang number na pinagmumulan ng mga text na ito ay karaniwang mga number at hindi espesyal na ipinatlang numero para sa partikular na mga promo.

Hmm, nakakaamoy ako ng pera, pero malansa ito. Kung tatawagan ko sila, ano naman kaya ang kapalit? Sa panahon ngayon na OA na ang kasabihang maghigpit muna ng sinturon dahil halos wala nang ihihigpit pa, patok na patok ang mga instant yaman na mga gameshow. Ang sabi nga ng matatanda, ang sobrang gipit kahit sa patalim kumakapit. Kaya nga nauso ang kung anu-anong get-rich quick scams.

Walang namang masama kung maambunan kahit kaunti ng pera at gumana kahit paano ang “swerte”, lalo’t napakahirap ng panahon ngayon. Pero ang masasabi ko lang sa lahat ng nangangarap yumaman, ang naglalakad ng matulin, kung matinik ay malalim.

Read more about this by clicking the Read More Link below. Like this post? Click the button and let the whole world know! You can also subscribe to my feeds and follow my blog so you'll never miss a thing. Smiles!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails