Wednesday, April 22, 2009

Sa magkanong halaga?


Noong Sabado, 18 Abril, nakalaya na si Andreas Notter, isa sa tatlong kasapi ng International Red Cross Committee (ICRC), mula sa kamay ng Abu Sayyaf. Ang tanong, paano nangyari ito?

Balikan natin ang mga pangyayari, Enero ng taong ito nang dakpin sila ng Abu Sayyaf. Lumabas ang mga pahayag na hindi ipapatubos ang mga bihag, kundi intrumento lamang para makahatak ng atensyon ang Abu Sayyaf at maipahayag ang kanilang mga hinaing. Nanawagan sila ng mga proyektong pangkaunlaran para sa Mindanao. Nakita natin ang kuha ng mga Abu Sayyaf kasama ang mga hostage nila. Maaliwalas ang mga mukha ni Lacaba, Notter at Vagni. Lumipas pa ang mga araw, naglabas ng pahayag ang Abu Sayyaf na maniningil na lang daw pala sila ng panigarilyo, hindi ransom ha, panigarilyo, sa halagang 5 Milyon. At HINDI 5 Milyong PISO ha, 5 Milyong DOLYAR. Pagkatapos nito’y serye ng madrama at tensyonadong mga tagpo sa pagitan ng mga pulitiko at militar.

Abril 2, napabalita na lumaya na si Lacaba, sa tulong ni Vice. Gov. Lady _____. Hindi naglabas ng pahayag si Lacaba. Nagpatuloy ang pakikipagnegosasyon para sa paglaya ng dalawang pang myembro ng ICRC, sa gitna ng pagmamatigas ng gubyerno na hindi sila magbabayad ng ransom sa Abu Sayyaf kapalit ng mga bihag. Bahagyang tumahimik ang ingay ng mga pulitiko na nag-aagawang makuha ang merito ng pagpapalaya sa mga bihag.

Abril 18, lumaya na rin si Andreas Notter. Maraming bersyon ng kanyang paglaya ang lumutang. Ano ang tunay na kwento ng kanyang paglaya?

Kwento #1: Abril 18, 5:30 ng umaga, nakuha ng mga pulisya ng Siasi at Civilian Emergency force si Andreas Notter sa mga barangay ng Katian at Mangilop, Indanan, Sulu. Ayon kay Gob. Abdusakur Tan, nalaman daw ng mga bandido na napakalapit ng pwersa ng gubyerno sa kanilang pusisyon at nagpasya ang mga ito na tumalilis dahil nasa bentaheng pusisyon ang mga sundalo. Sa pag-atras ng bandidong grupo, naiwan si Notter at nagawang makatakbo palapit sa pusisyon ng pulisya at sundalo. (Inquirer, 19 April)

Kwento #2: Ayon naman sa isang sibilyang boluntaryo na kasama sa nakakuha kay Notter, pinakawalan ito ng Abu Sayyaf sa Barangay Lipunos, Parang noong maghahatinggabi ng Biyernes. Ayon sa boluntaryo, minobilisa sila patungong Parang. Akala daw nila ay may operasyong ilulunsad, ngunit pagdating nila doon, sinalubong sila ng mga armadong kalalakihan at ibinigay sa kanila ang isang dayuhan, inakala nilang si Vagni. Maging ang tagapagsalita ng Task Force ICRC, si Lt. Col. Edgard Arevalo, ay nagulat sa biglang paglaya ni Notter. (Inquirer, April 18)

Kwento #3: Umaatras ang grupo ng mga bandido kasama si Notter hanggang napansing niyang mag-isa na lamang siya. May kung anu-ano ginagawa ang mga bandido, halimbawa biglang uupo, magtatali ng sintas ng sapatos, atbp. (Inquirer, April 20)

Kwento#4: Naglalakad daw si Notter at ang mga bumihag sa kanya, nalaglag ang isa at maya-maya pa’y wala na daw paligid niya ang mga bandido. Sinundan niya ang daan palayo, sa tanglaw ng mga bituin. (DZRH, April 22)

Ano ang totoo? Hulaan niyo.

Hint: Bago naganap ang mga pagpapalaya sa dalawang bihag, maugong ang balita na pumunta ng Mindanao ang isang mataas na upisyal ng gubyerno, ang inisyal ng pangalan niya ay Republic of the .Philippines.

Read more about this by clicking the Read More Link below. Like this post? Click the button and let the whole world know! You can also subscribe to my feeds and follow my blog so you'll never miss a thing. Smiles!

No comments:

Post a Comment

Your 2cents worth please? :DD

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails