Mula sa bibig ng bata : ang hulaping ---han, --an
Ang –han o –an ay mga hulapi na idinadagdag sa salitang ugat para bigyan ito ng bagong kahulugan. Ang salitang ugat ay ginagawa nitong isang pangngalan na tumutukoy sa lugar, pangyayari at iba pa.
Halimbawa:
Salitang-ugat | + hulapi | = bagong salita |
Parada | + han | = paradahan o lugar na pinagtitigalan ng bus, dyip, traysikel at iba pang sasakyan. |
Mangga | + han | = manggahan o isang lugar na maraming tanim na mangga |
Kurot | + an | = kurutan o isang pangyayari kung saan nagpapalitan ng kurot ang dalawa o marami pang tao |
Isang araw, sabi ng anak ko, punta daw kami sa babyhan. Nagulat ako. Anong ibig niyang sabihin? Ano ang babyhan?
a. Isang lugar kung saan maraming mga baby
b. Isang lugar kung saan ginagawa ang mga baby
Syempre, letter a ang sagot. Sa murang kaisipan ng bata at limitadong kaalaman pa sa lenggwahe, naunawaan niya na ang batayang konsepto ng paglalagay ng –han at –an sa lenggwaheng Pilipino. Lumaki rin siyang bahagi ng araw-araw na pananalita ang baby kaya naisip na bahagi ito ng Pilipino at kung gayon, maipapailalim sa mga tuntuning pambalarila ng Pilipino.
Ang babyhan sa lenggwahe ng anak ko ay katumaba sa wikang Ingles ng nursery. Kung kayo ang tatanungin, ano ang wastong pamimilipino sa nursery...
Sanggulan
Batahan
Anakan
Suplingan
Magdagdag pa kayo....
Read more about this by clicking the Read More Link below. Like this post? Click the button and let the whole world know! You can also subscribe to my feeds and follow my blog so you'll never miss a thing. Smiles!
No comments:
Post a Comment
Your 2cents worth please? :DD