Kapag pumasok ang mga buwan ng Abril at Mayo, upisyal na panahon na ang tag-init. Panahon na ito ng pagbabakasyon sa mga probinsya para makapahinga mula sa gulo ng mundo sa kalunsuran. Panahon din ito ng napakaraming pyesta at handaan.
Naalala ko nung kabataan ko, lagi kaming nabubundat ng mga pinsan ko kapag nag-iikot kami sa mga pyesta. Laging masarap ang mga handa at syempre, laging napakakulay ng paligid.
Pero ngayon, isang taon bago ang eleksyon, ibang mga banderitas ang nakasabit sa mga linya ng kuryente. May mga bumabati ng Maligayang Pagtatapos. Mayroong Happy Fiesta. Mayroon ding Merry Christmas pa ang mensahe. kahit pa napakaraming mensahe ang nakalagay dito, iisa ang komon na katangian ng mga ito, lahat ng mga banderitas ay mula sa mga pulitiko, sa lokal at nasyunal, at may mga mukha nilang nakaplastar.
Ngayong tag-init ng 2009, upisyal nang nagsimula ang panahon ng eleksyon.
Pansinin na mas dumadalas na ngayon ang dati-rating mangilan-ngilang mga komersyal ng mga pulitiko. Si Manny Villar, si Ping Lacson at ngayon, pati na si Mar Roxas, ang hari ng mga komersyal, samantalang si Loren Legarda naman ang reyna sa radyo (may blocktime siya sa DZRH tuwing umaga sa loob ng ilang buwan na rin).
Ang totoo naman, noong nakaraaang taon pa lamang, gumagana na ang mga makinarya nila para sa kampanya. Hindi ba't pinakamaagang nangampanya si G. Metro Gwapo Bayani Fernando gamit ang pondo ng MMDA? Siya yata ang pinakamasahol, walang kahihiyang ginagamit ang kampanya ng MMDA pati na rin ang pondo nito para makapagkabit ng naglalakihang litrato niya sa buong Metro Manila. Si Mar Roxas at Ping Lacson din, medyo garapal ang mga komersyal, halatang namumulitika na. Si Ping bilang pambalanse sa naging pagbuhay sa Dacer case. At si Mar naman, epal lang ang komersyal, sabagay mas malakas naman ang hatak ng kaniyang GF para sa publisidad na kailangan niya.samantalang kay Manny Villar, lagi naman nang lumalabas ang "kabutihang-loob" niya sa mga OFW, sa pamamagitan ng mga komersyal na siya rin ang nagprodyus. Si Loren naman, napansin kong mas matapang na siyang bumatikos kay GMA ngayon. Dahil kaya hindi na siya ang gagawing standard bearer ng Lakas-Kampi?
Tunay na napakainit ng panahon. Pinaiinit naman nito ang ating mga katawan. At lalong nag-iinit ang mga eksena, sa paglabas ng mga lumang isyu na kinasangkutan ng mga nangangarap maging kandidato sa pagkapangulo o pagkasenador.
Ang sabi nga ng lumang palabas sa telebisyon, Abangan ang susunod na kabanata.
Read more about this by clicking the Read More Link below. Like this post? Click the button and let the whole world know! You can also subscribe to my feeds and follow my blog so you'll never miss a thing. Smiles!
No comments:
Post a Comment
Your 2cents worth please? :DD