Ang paniniwala ng bawat tao ay makikita sa pagkiling o paninindigan nito sa mga bagay na nagaganap sa paligid niya.
Nitong nakaraang mga araw, nang pinuno ng balita tungkol sa isang trahedya ang mga dyaryo at telebisyon, nakita natin kung paano mag-isip ang mga tao na inakala nating o umaastang mga kampeon ng katotohanan at katarungan.
Noong Abril 15, niyanig ng balita na nag-aagaw-buhay ang kabiyak ni Ted Failon. Tunay na isang trahedya ito sa personal na buhay ng isang pampublikong personalidad. Subalit, trahedya din ito para sa mamamayang Pilipino.
Isang brodkaster si Ted Failon, alam niya kung paano mag-isip ang mga mamamahayag kapag may kwentong nagaganap. Napakaimportante ba niyang tao para hindi dumanas nito? Kung siya ang nasa katayuan ng mga mamamahayag, siguradong ipipilit din niya ang kaniyang sarili para makuha ang istorya para sa kaniyang istasyon. Ganoon na lamang ba kalaki si Ted Failon, para magsabing "No media, No police please"?
Isang hepe ng Public Attorney's Office (PAO) si Persida Acosta. Ang PAO ang sangay ng hudikatura na nagbibigay ng libreng serbisyong ligal sa mahihirap na Pilipino. Pagputok ng balita tungkol sa pang-aaresto kay Failon, sumugod na sa tabi niya si Acosta. Bakit? Indigent na rin ba ang turing kay Failon? Ang sabi ni Acosta, ginagawa lang niya ang kanyang tungkulin bilang isang abogado. Ang sabi ko naman, bakit hindi niya gawin ang kanyang tungkulin sa ibang higit at tunay na nangangailangan nito? Sa maraming kaso ng pagdakip, personal mang nakikita o napapanood sa telebisyon, bakit wala ni anino ni Acosta doon?
Ang QCPD ay bahagi ng sangay na tagapagpatupad ng pamahalaan. Tungkulin nitong pangalagaan ang mga batayang karapatang-tao ng mamamayan laban sa mga nagmamalabis dito. Subalit nitong nakaraan, muli nating nasaksihan ang brutalidad na kalakip ng pagpapatupad nila sa kanilang tungkulin. Gumaganti nga ba sila dahil sa pambabatikos ni Failon sa kanila noon lamang umaga bago mangyari ang lahat? Nakita rin natin kung gaano kaluma at kawalang-saysay ang ilang mga paraan na inaaasahan nilang makakakuha ng matibay na ebidensya laban sa mga pinaghihinalaan.
Ang sabi ng matatanda, makikilala mo ang tunay na ugali ng isang tao sa panahon ng kagipitan.
Read more about this by clicking the Read More Link below. Like this post? Click the button and let the whole world know! You can also subscribe to my feeds and follow my blog so you'll never miss a thing. Smiles!
No comments:
Post a Comment
Your 2cents worth please? :DD