Ilan sa inyo ang nakakatanggap ng mga promotional messages mula sa SMART? Tulad nito:
"Life is tough! Pero kaya mo yan basta may inspirational messages ka 4ur soul thie Lent Txt GOODNEWS to 234 P2.50/day No Alrts? Snd ALERTS OFF to 211.
Ilang beses ko nang sinend ang ALERTS OFF to 211 pero makalipas ang ilang araw, andyan na naman siya, parang makulit na buni. nandyan lang sa iyo, maliit, hindi napanpansin, pero kumakalat na pala dahil nakakamot. Ganon din yang SMARTvertising na yan, nandyan lang, mukhang inosenteng text lang ng SMART pero nakakaubos na pala ng load.
Isang beses, hindi ko na mapigilan ang sarili ko, pumunta ako sa opisina nila at inireklamo ito. Pinatingnan ko rin ang phone ko dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang sabi doon, nakasubscribe daw kasi ako kaya nagpapadala ng kung anu-anong alerts. Imposible! sabi ko, dahil hindi ako nagsubscribe at ayoko nga ng ganyang dahil nababawasan lang ang load ko sa walang kapararakan. Ang sabi nila, wag na daw kaming magtalo dahil nakasubscribe nga daw ang phone kaya io-off na lang niya kung ayaw ko na. IM!
Nung isang araw naman, nanay ko ang nagrereklamo. Kakaload lang niya ng P60 kahapon (halimbawa) at kinabukasan, hindi na siya makapagtext. Samantalang puro alerts ang dumating sa kanya.
Eto pa, pansinin niyo, ang phone lang sa laging nakakatanggap ng alerts ang iyung laging may load. Meron kasi akong lumang phone na paminsan-minsan lang nakakatikim na malagyan ng load. At kapag bankrap iyun, walang alerts na pumapasok, wala ni ha, ni ho mula sa Smart. Pero iyung isang phone na mas mayaman at laging may laman, naku, kahit i-off mo na, bukas-makalawa meron na namang alert.
Win-win para sa Smart ang sitwasyong ito. Kapag nagpadala sila ng "SmartFreeAlert" sa'yo at hindi mo in-Off, kikita sila syempre dahil tuluy-tuloy ang pagpapadala sayo at tuluy-tuloy ang kaltas ng P2.50. Pero kung ayaw mo, syempre magtetext ka ng ALERTS OFF to 211 para makatipid ng load, gumastos ka pa rin sa bagay na hindi mo gusto dahil may bayad ang pagpapa-off nun.
Smart talaga ang Smart. Tuso ang Smart. Palitan na kaya nila pangalan nila, sa TUSOmmunications.
Nakakainis.
Read more about this by clicking the Read More Link below. Like this post? Click the button and let the whole world know! You can also subscribe to my feeds and follow my blog so you'll never miss a thing. Smiles!
Noong nagkaroon ako ng una kong Celphone, ganyan na ganyan rin yung kina-iiritahan ko, yung pabalik-balik na subscribed msg. sa CP ko. Pero once nakuha mo na yung technique kung sa papaano ito hihinto gagaan ang life mo. Opo, kailangan talaga ng technique diyan.
ReplyDeleteYung ALERTS OFF na syntax - inihihinto lamang nito yung ads ng SMART pero hindi yung "DAILY QUOTE" - minsan kasi napagkakamalang ads ung "DAILY QUOTES" pero sa katotohanan produkto-de-mensahe na nila ito na binili mo. Karamihan sa nakilala ganyan yung problema nila sa SMART, baka sakali ganyan rin yung problema nung sa'yo.
Ang hirap kasi sa SMART telcom, kulang sila sa pagpapa-hatid ng guides sa kung papaano gagamitin ng wasto at madali yung serbisyo nila. Ang dami-dami nila kasing kaek-ekan eh, parang nanloloko lang sila at nang-gugulo ng utak para madulas ka sa bitag ng text-produkto nila.