Pero, tapos na, nagkausap na kami.
Nagpasya akong personal na dumaan sa upisina nila at hindi lang tumawag sa telepono. Kung inimbitahan nila akong tumawag sa kanila ng kahit anong oras, Lunes hanggang Sabado, siguro nama'y nasa upisina sila para kausapin ako.
A-2 ng Abril nung pumunta ako, bandang alas-kwatro ng hapon. Wala doon ang sumagot sa email ko pero si Ms. Lady Diane Mendiola, ang Deputy Head Librarian ang nakipagharap sa akin. Nagkwentuhan kami tungkol sa nangyari. Nag-check pa nga sila ng files sa mga gumamit ng computer dahil baka nandun ang pangalan nung bata. Sayang lang at hindi sa akin nasabi ng asawa ko na nakalog-in pala mismo ang batang bata ng sindikato sa katabing computer ng anak ko.
LOW-TECH
Doon ko din napag-alaman na medyo nahuhuli sa teknolohiya ang kanilang library, kahit pa pag-aari ito ng isa sa pinakamayaman na negosyante, ang mga Gokongwei. Isang linggong nakatengga ang email ko sa kanila dahil wala silang mabilis na access sa internet, dial-up lang daw sila kaya mahirap pumasok at mabagal. Nalaman nila ang email ko mula na sa Head Office ng TCL na sinulatan ko na rin dahil nga wala pang sagot ang TCL-NOvaliches. Wala rin silang CCTV sa library, kaya imposibleng makuha pa ang larawan ng batang muntik nang kumidnap sa anak ko. makakatulong sana ito para maipaskil at mabigyan ng babala ang mga bata at iba pang magulang na laging nagpupunta roon.
ISA PANG BIKTIMA
Ipinagbigay-alam na din daw nila ito sa security ng Robinson's Place Novaliches, at nakakagulat ang balitang nasagap nila. Noong araw din na muntik mawala ang anak ko, may isang bata, 2 taong gulang, ang nawala. Isang linggo pa ang nakalipas bago siya nakuha sa bandang Camarin, Novaliches.
MGA HAKBANG
Nangako rin sila ng mga hakbang na gagawin bilang pagtugon sa pangyayaring ito. Magkakaroon ng briefing ang mga boluntaryo upang maipaalam ang mga pangyayari kamakailan. Maghihigpit din sila sa paglabas-labas ng mga bata sa kanilang library. Titiyakin din nila kung magkasama ba talaga ang dalawa o mahigit pang bata na lalabas at kung may kasama silang bantay. May PA system sila kaya doon regular na ipapaala sa mga magulang na i-tsek ang kanilang mga anak.
PANAWAGAN PARA SA TULONG
Sayang lang at walang CCTV. ito ang gusto kong proyektuhin sa pakikipagtulungan ng iba pang concerned parents.Pwede natin silang tulungan. pwede tayong magpetisyon sa mga Gokongwei o sa Head Office ng TCL na lagyan ng CCTV ang mga library nila. Pwede din namang mag-ambag-ambag tayo at ang iba pang magulang para mabigyan sila ng CCTV.
Read more about this by clicking the Read More Link below. Like this post? Click the button and let the whole world know! You can also subscribe to my feeds and follow my blog so you'll never miss a thing. Smiles!
Sayang. Inaabangan ko pa naman ang bidyo. . .
ReplyDelete